Although hindi ito maiiwasan, pwede naman gumawa ng paraan para makapag
ipon. Ilan lang ito sa mga ideas kung paano makatipid.
1. Have an accounting
- Ilista lahat ng gastos, mula sa simpleng candy at sigarilyo na binibili araw-araw hanggang sa mga malakihang gastos tulad ng pamimili or pag gro-grocery at renta sa bahay.
Ilan pa ay ang pamasahe sa MRT o bus, coffee, yung baryang binigay mo sa church o pulubi. Ilista din ang mga maaring pag galingan ng income.
Halimbawa:
INCOME - EXPENSES Natitirang Pera
Income sa rent: 5,000 p6,000
(AIM)Pairings Lotto: p450
: p15,000 Tubig: p500
Yosi: p50
Groceries: p1,500
Pamili: p500
Kuryente: p1,000
TOTAL: p9,000
2. Kaltasan ang GROSS INCOME
- sa buwan-buwan na income, kumuha agad ng 10% dun at itabi. Pwedeng dagdagan ito dipende sa kaya mo at laki ng income mo. NOTE: Hindi mo ito kukunin sa matitirang pera mo after mo mag accounting. Ito ay kukunin mo mismo sa kabuonan ng income mo, bago mo pa sya bawasan ng para sa expenses mo.
Ang 10% na ito ay kailangan itabi mo, maganda din kung ilalagay mo sya sa bangko. Eto ay hindi mo maaring galawin kahit anong mangyari pwera na lang sa mga matitinding emergencies. Makalipas ng isang taon, kung maroon kang 1,00 a month, makaka 12,000 ka na at pwede mo itong itabi sa bangko time deposit, o ilagay sa business, o mag invest din sa mutual funds o stock market.
3. Wag mag overspend
- Wag gumastos ng mas malaki pa sa income mo. Wag din gumastos ng walang matitira sa Income mo kahit sinco. Minsan nadadala tayo sa sale sa mall pero di kalayuan ay mauubos ang pera natin at mapipilitan tayong mangutang sa iba na dahilan din ng pagkakaproblema sa pera.
4. Iwasan ang BAD debts
- Ang BAD debts ay yung pag utang natin ng pera para sa mga bagay na hindi pag gagaingan ng kita. Kung ikaw ay nangutan para mang invest, o mag tayo ng business, o mag training o mag-aral sa pang kabuhayan, eto ay mga GOOD debts.
Ang BAD debts ay yung mga pangungutang natin para makabayad pa sa ibang pagkakautang, o para pantawid lang sa bwan na gipit ka. Eto yung mga walang pinatutunguhan kundi sa bulsa din ng iba. Hanggang maari, iwasan ang mangutang para maputol ang Vicious Cycle.
5. Mag Baon
- wag mahiyang mag baon. Ang pagkain sa fastfood at restaurant/pantry/canteen ay nasa 50 pesos pataas. Dipende pa yun sa ibang kasama ng meals mo. Kung ang trabaho ay 6days sa isang linggo, at nakaka 50pesos ka araw-araw halimbawa, makaka 1,200 ka minimum sa isang bwan.
Ang pagkain sa bahay ay may estimate na nasa 30pesos lang, so may savings ka na 20pesos a day or 480pesos a month.
6. Lifestyle check
- meron iba sa atin nag aabot pa ng pera sa pamilya. kadalasan sinasabi ng ilan na nauubos lang ang sahod nila sa kabibigay. Pero kung tatanungin mo sila, minsan sa 15,000 na sahod halimbawa, mga 3-4,000 lang ang inaabot nila. Asan ba yung iba? Dito pumapasok yung lifestlye check mo. Baka naman nagiging maluho ka na masyado. Ang mga bagay na di naman kailangan, IWASAN. Ngayon kung sobrang tipid mo talaga at kulang ang
pera mo parin, isa lang solusyon dyan, dagdagan mo ang INCOME mo.
7. Mag Budget
- every month dapat meron kang budget sa mga gastusin. Dapat mag plano ka sa anong kapupuntahan ng pera mo at meron kang projection after ilang taon kung san ka dadalhin nito. Ang building ay di mabubuo kung walang plano, ganun din sa pera, kung gusto mo umasenso dapat me plano ka.
8. Disiplina
- Kahit anong tips pa ang basahin, kung hindi naman ito inaapply, bali wala din. Kung mag ooverspend ka dahil sa pagyaya ng mga kaibigan na mamasyal o mag outing kahit na alam mo na walang matitirang pera sayo sa katapusan, wala din mangyayari. Nasa sa iyo ang pag asenso mo. Tulad ng AIM, andito lang ang tips para gumabay sa iyo. Pero kung hindi mo sisismulan ito, wala rin mangyayari.
No comments:
Post a Comment