Misleading. Baseless. Irresponsible. Libelous. Mapanira.
Ito na marahil ang isa sa mga bagay na hindi matatanggap, hindi lang ng mga miyembro ng AIM pero lalo ng ng mga may-ari ng company na ito.
AIM na marahil ang pinaka-stable na MLM company ngayon sa Pilipinas. Sa 9 years na pamamayagpag bilang #1 MLM company, madami na itong mga miyembrong umasenso at umunlad.
Gayun paman, despite the success our company has had in many years, naging fair parati sa competition ang AIM sa iba pang mga naging MLM companies at wala ng yatang dadaig pa sa integridad na meron ito.
HINDI KAILANGAN MANIRA
AIM has the most effective MLM marketing strategy in the Philippines that even companies in other countries recognize and certifies AIM as one of the top Direct Selling Companies in the world.
If the Philippine Government finds fault in the system of other MLM companies, it's not AIM's doing.
Ikaw ba naman sabihin mong sa loob ng 1-2 weeks do-dolbe o triple na agad ang investment mo, hindi ka ba magdududa?
Ilang pilipino na ang naloko sa mga ganyang istilo, ito narin ang dahilan kung bakit nasira na ang reputation ng network marketing sa pilipinas dahil sa mga schemes na ganito.
Walang katotohanan sa mga ganitong schemes at mismong SEC na ang nagbibigay babala sa mga mamamayan na umiwas sa ganitong mga panloloko.
At kaylanman, hindi naging ganyan ang AIM sa mga taong nag iinvest.
Hindi AIM ang gumawa sa kanilang mali at mapanlinlang na systema. Kung meron mang dapat baguhin yun ay ang mentality ng ibang pinoy na manira sa mga taong gumagawa ng tama at moral at sumira ng buhay ng mga taong gusto lang kumita ng kahit extang pangastos.
At darating ang panahon, magkaka-alaman din. Na pag dumating na sa absolute treshold (pinaka limit) ng mga taong pwedeng i-miembro nila sa kanilang company, bigla na lang itong babagsak. Dahil ito ay isang tunay at lehitimong Pyramiding Scams.
WALANG KAILANGANG PABAGSAKIN
Mula't sapul na itinayo ng mga may-ari ang AIM para sa mga pinoy, isa sa mga pinag tuunan ng pansin ay ang pagbabayad ng tamang Tax sa Philippine government.
Mula sa pagbili ng mga products hanggang sa mga commissions ng mga members nito, may nakahanda ng percentage na inihihiwalay ang management para sa TAX.
And every year, ikino-compile lahat ng mga documents na ito sa BIR. Sa tutuusin, ang AIM ay isa sa mga companies sa Pilipinas na na-awardan ng BIR dahil sa tama nitong pagbabayad ng TAX.
Kung ang isang company ay nasisita ng BIR sa hindi pagbayad ng tamang Tax, hindi na gawain iyon ng AIM at never namin gagawin iyon, dahil hindi kami ganun.
Kung sana inayos nila lahat ng mga documents nila and naging transparent lang sila sa government, hindi sana sila aabot sa ganun problema.
And here at AIM, we are open for everyone to see our financial records. Wala po kaming itinatago.
No comments:
Post a Comment