Eto na po ang marahil isa sa mga pinakcommon na problemang nararanasan ng mga members.
To help, narito ang ilang mga tips and basic information about accounts para maiwasan ang mga ganitong problema.
1. Pumili ng Username at Password na madaling tandaan.
Birthdays, pangalan, paboritong mga bagay, etc. Ilan lang to sa mga mga pwede nyong ilagay sa inyong password. Example: juandelacruz
2. Alpha-Numeric.
Mas mabuti kung may mga combinations din tulad halimbawa ng pagsasama ng pangalan at birthday mo. Mas inirerecommend ng mga experts na ipagsama ang numbers at letters para sa safety ng inyong accounts. Example: JuanDelacruz013081
3. Ilista
Pinapayuhan din na ilista nyo sa isang sulatan ang mga information for quick reference. Makakatulong itong maalala nyo ang inyong passwords or usernames. Tandaan, huwag hayaang mawala ang listahan kaya itago ng mabuti.
Anong dapat gawin kung nakalimutan ang inyong Password o Username?
Inaadvise namin napumunta kayo sa pinakamalapit na branch(BCO) ng AIM sa inyong lugar upang kayo ay matulungan. Magdala ng kinakaukulang valid IDs. Sa kasalukuyan ngayon ay wala pang paraan sa ating website na mag reset at mag provide ng bagong password dahil na rin sa seguridad ng inyong mga accounts. Mabuting makipag ugnayan na rin sa inyong mga uplines. Kung ibang tao ang mag aasikaso sa inyong request, huwag kalimutan ibigay ang inyong ID at authorization letter.
No comments:
Post a Comment